PARADOX: FAST DRIP

From Dusk till Dawn… Together until FOREVER

Itlog na maalat, laing, prutas….at ang pag0ng? May 1, 2008

Filed under: Uncategorized — Dy0s@h @ 8:33 pm

Dumating kahap0n ang pinadala ni mother na itlog na maalat at laing na nasa lata, dangan nga lamang at hindi napasama ang damit ni Pong at cologne para sa aming mag-ina ni P0ngp0ng. Di bale, malapit na din alam ko…

Ako ang pang gabing nurse na duty. 10pm-8am ang pasok ko. Pagdating ko kahap0n, binuksan ko agad ang 1 lata ng laing, 1 itlog na pula at kaning lamig. Pagkatapos mainit sa oven halos hindi magkamayaw ang mga daliri ko paglapat palang ng mga ito sa pagkain “PG” ang dating (patay gutom) keber! Eh, gutom ako e! Saka ilang buwan na din akong di nakakain ng ganun. Kahit umalsa na ang labi ko dahil in-allergy ako, wala ako paki basta subo ng subo.

Pero walang tatalo ke mahal kong biyenan. Kung baga ke cooking master boy e para kang lumipad sa alapaap at nag parolyo rolyo sa mga ulap sa sarap ng luto ni mama Fanny. Talagang 1 kaldero sa aming tatlo lang ni Jean. Minsan na alala ko sabay naming pinindot ang magkabilang pisngi ng h0ney ko dahil sinubuan ko siya ng p0nkan. Ang siste, minual nya lang. Sabay naming pinindot ang pisngi nya at pumuswit sa bibig nya ang katas ng prutas. Tawanan kaming tatlo pagkatapos… Hay, nakakamiss sobra. Dahil hindi ganun kahilig sa prutas ang pag0ng me pang “bargain” akong ginagawa at alam nya na un pag sinabi ko. Dahil ekspresyon palang ng mukha ko, magkukumahog na siyang isubo lahat ng binalatan k0ng ponkan o kung an0ng prutas sa harap niya…

Hahahahah! Miss na kita h0neyp0ngkapie…mwah!

 

Leave a Reply