PARADOX: FAST DRIP

From Dusk till Dawn… Together until FOREVER

Sa susunod… Ako naman April 27, 2008

Filed under: Uncategorized — Dy0s@h @ 8:43 pm

Habang pababa ako nag hagdan kanina papasok sa aking duty, nasalubong ko ang isang co-nurse ko na pauwi na ngayong April 29. Umiiyak sya at mamimiss nya daw ang doktor nya. Tinapik ko nalang sya sa braso. Bago ko buksan ang pinto ng katotohanan napatigil ako at yumuko sandali….” sana ako nalang sila para makasama na kita” bago pa mag drama ang luha ko, humugot ako ng malalim na pag hinga at ngumiti. “di bale, ako din malapit ng umuwi”

Haayy…nakausap kita kanina at sinabi mong kailangan mo ako sa tabi mo. At sana makauwi na agad ako dahil gusto mo na akong makasama. Halos lumusot na ako sa telepono kung pwede lang honey. Di bale, pag uwi ko wala ng malulungkot…wala ng mag-iisa…mahal na mahal din kita at kahit ilang beses mo tinanong yan kanina, hindi magbabago sagot ko. Tungkol naman sa tinanong mo na baka di na kita mahal dahil tumaba kana o pumangit ka kamo, mahal pa din kita hindi kung sino ka, kundi kung ano ka. At sa lahat ng aspeto ng kung “ano ka” un ang minahal ko at patuloy na mamahalin…

Ingat kayo palagi dyan. Mahal ko kayo at pag uwi ko… BUO NA ULIT ANG PAMILYA.