PARADOX: FAST DRIP

From Dusk till Dawn… Together until FOREVER

Sa Piling mo April 26, 2008

Filed under: Uncategorized — Dy0s@h @ 11:38 pm

Pilit ipinipikit ang pagal na mga mata
Baka sakaling di dumaloy at mapigil ang pagluha
Tulirong isip
Sa nakaraa’y walang patid ang pagsilip

Sa bawat pagdaloy ng aking dugo
Kahit na ano’y hindi kayang itago
Pagka’t bawat pintig ng puso
Tanging ikaw ang itinuturo

Sa bawat pag hakbang
sa disyertong tigang
Tanging alaala mo
Ang siyang nakikitang kumikinang
Munting halaman ng PAG-ASA
Na pausbong ang pagtubo
Tanging PAGMAMAHAL MO
Ang siyang nagdidilig dito

Sa bawat pag punit ng pahina ng kahapon
Katumbas nito’y haplit sa aking pusong nais ipa ampon
Sa bawat pagsulyap sa pagdating ng takdang araw
Lumalakas ang loob
Umaasang pighati’y papanaw
Sa pag sapit ng nakatakda
Kasabay ay muling pag gunita
Na muling mayakap ka
At muling mahagkan pa.

MAHAL KITA…MAHAL KITA,
Kahapon, ngaun at bukas sana ay sapat na.

 

Leave a Reply