Para sa taong tumulong sa akin sa pag gawa ng acct na ito na si Mr. Christian… Salamat po ng marami. Mabuti nalang at may mga taong kagaya mo na tumutulong sa kagaya kong sinlaki lang ng nips ang alam pagdating sa gantong kalakaran. Nakakatuwa pag mayroon kang natututunan pero minsan nakakatakot ang mga bagay na natutuklasan. Kung sabagay, kaakibat ng karagdagang kaalaman ang pagtuklas sa katotohanan…at syempre kalimitan masakit ang katotohanan.
Muli sa taong hindi ko pa nakikita, sa taong hindi ko lubusang kilala pero di nag alangang tumulong at nag tiyaga sa kakulitan ko…. MARAMING MARAMING SALAMAT. God bless you and TC