PARADOX: FAST DRIP

From Dusk till Dawn… Together until FOREVER

Sa susunod… Ako naman April 27, 2008

Filed under: Uncategorized — Dy0s@h @ 8:43 pm

Habang pababa ako nag hagdan kanina papasok sa aking duty, nasalubong ko ang isang co-nurse ko na pauwi na ngayong April 29. Umiiyak sya at mamimiss nya daw ang doktor nya. Tinapik ko nalang sya sa braso. Bago ko buksan ang pinto ng katotohanan napatigil ako at yumuko sandali….” sana ako nalang sila para makasama na kita” bago pa mag drama ang luha ko, humugot ako ng malalim na pag hinga at ngumiti. “di bale, ako din malapit ng umuwi”

Haayy…nakausap kita kanina at sinabi mong kailangan mo ako sa tabi mo. At sana makauwi na agad ako dahil gusto mo na akong makasama. Halos lumusot na ako sa telepono kung pwede lang honey. Di bale, pag uwi ko wala ng malulungkot…wala ng mag-iisa…mahal na mahal din kita at kahit ilang beses mo tinanong yan kanina, hindi magbabago sagot ko. Tungkol naman sa tinanong mo na baka di na kita mahal dahil tumaba kana o pumangit ka kamo, mahal pa din kita hindi kung sino ka, kundi kung ano ka. At sa lahat ng aspeto ng kung “ano ka” un ang minahal ko at patuloy na mamahalin…

Ingat kayo palagi dyan. Mahal ko kayo at pag uwi ko… BUO NA ULIT ANG PAMILYA.

 

Sa Piling mo April 26, 2008

Filed under: Uncategorized — Dy0s@h @ 11:38 pm

Pilit ipinipikit ang pagal na mga mata
Baka sakaling di dumaloy at mapigil ang pagluha
Tulirong isip
Sa nakaraa’y walang patid ang pagsilip

Sa bawat pagdaloy ng aking dugo
Kahit na ano’y hindi kayang itago
Pagka’t bawat pintig ng puso
Tanging ikaw ang itinuturo

Sa bawat pag hakbang
sa disyertong tigang
Tanging alaala mo
Ang siyang nakikitang kumikinang
Munting halaman ng PAG-ASA
Na pausbong ang pagtubo
Tanging PAGMAMAHAL MO
Ang siyang nagdidilig dito

Sa bawat pag punit ng pahina ng kahapon
Katumbas nito’y haplit sa aking pusong nais ipa ampon
Sa bawat pagsulyap sa pagdating ng takdang araw
Lumalakas ang loob
Umaasang pighati’y papanaw
Sa pag sapit ng nakatakda
Kasabay ay muling pag gunita
Na muling mayakap ka
At muling mahagkan pa.

MAHAL KITA…MAHAL KITA,
Kahapon, ngaun at bukas sana ay sapat na.

 

A GIRL LIKE YOU April 26, 2008

Filed under: Uncategorized — Dy0s@h @ 10:08 pm

( Naaalala mo pa ba ang s0ng na to h0ney?nasa WIREZ & CIRCUITZ C0MPUTER SH0P pa tayo nito. Dun m0 to una pinarinig sakin at sinabi m0ng s0ng mo ito para sa akin. Mula nu0ng napakinggan ko to nung 2003 naging theme s0ng na natin ito at ito din ang ihahandog ko ulit sayo para sa ika 5TH YEAR ANNIVERSARY natin ngaung JUNE 10, 2008. MAHAL NA MAHAL KITA…
You’re my PAST, MY PRESENT AND MY FUTURE…YOU’RE MY LIFE JEAN )

Every night before i sleep
I thank the LORD for giving me another day so i can be with you

Cause i ain’t never seen a face so beautiful in every way
I can’t believe that i’m here with you

And i cry cause i’m so inlove
Cause you don’t know what it means to me to finally find someone
I was searchin for the perfect, THE WOMAN OF MY DREAMS and n0w she is INLOVE with me

And even though i’ve been around the world never did i dream i would find me a girl like you

When i’m making love to you
I call your name that’s what i do
So you won’t have no reservations and that you’re the only one for me
My heart is yours and girl that is for eternity
You kn0w we make the perfect c0mbinati0n

And i cry cause i can’t believe
Cause YOU JUST D0N’T KN0W THE HALF OF IT AND WHAT IT MEANS TO ME
To finally f0und the perfect girl the angel of my dreams and that she is inlove with me

And even though i’ve been around the world
Never did i find a girl
To make me feel this way YOU KN0W YOU DO
And even though love has been kind to me
Never did i dream
I would find me
A girl like you

YOU’RE 0NLY THE BEST THING GIRL
THAT EVER HAPPENED IN MY LIFE
YOU ARE MY ANGEL, THE ANGEL AND THE APPLE OF MY EYE.

( Salamat dahil dumating ka sa buhay ko h0ney… Mahal na mahal kita JEAN )

 

To my other half: Happy 59th Monthsary April 25, 2008

Filed under: Uncategorized — Dy0s@h @ 10:49 pm

Malapit nanaman ang ika- 10 ng Mayo kaya’t nalalapit na din ang ating espesyal na araw…at ganun din ang espesyal na araw mo at mahalaga din sakin. Syempre ang kaarawan mo diba h0ney? Sana sa ika 5 taong ng ating pagsasama at pagmamahalan ay magkasama na tayo…sana sana sana. Kahit magkalayo tayo mayroong bahagi natin ang magkalapit at alam kong alam mo kung ano yun. Gusto ko na mauna akong bumati sa iyo para sa darating na espesyal na araw na iyon. Mahal na mahal kita at lagi mong tatandaan yan h0ney. Alam kong masyado kang abala sa gawain mo pero wag mo kalimutang magpahinga at kumain ng tama. Wala ako diyan sa ngaun para maalagaan ka pero alam k0ng alam mo kung gaano ko hinahangad na nasa tabi mo ako ngaun at ganun ka din sakin.

Ingat ka lagi P0NGKAPIE, P0NGKAPRINCESS, P0NGKAUYEAHH etc..etc..etc sa dami ng tawag ko sayo hindi ko na iisa-isahin. Mahal kita sobra.

 

Salamat po… April 25, 2008

Filed under: Uncategorized — Dy0s@h @ 10:32 pm

Para sa taong tumulong sa akin sa pag gawa ng acct na ito na si Mr. Christian… Salamat po ng marami. Mabuti nalang at may mga taong kagaya mo na tumutulong sa kagaya kong sinlaki lang ng nips ang alam pagdating sa gantong kalakaran. Nakakatuwa pag mayroon kang natututunan pero minsan nakakatakot ang mga bagay na natutuklasan. Kung sabagay, kaakibat ng karagdagang kaalaman ang pagtuklas sa katotohanan…at syempre kalimitan masakit ang katotohanan.

Muli sa taong hindi ko pa nakikita, sa taong hindi ko lubusang kilala pero di nag alangang tumulong at nag tiyaga sa kakulitan ko…. MARAMING MARAMING SALAMAT. God bless you and TC

 

SIP… BOGUS April 25, 2008

Filed under: Uncategorized — Dy0s@h @ 10:24 pm

Naranasan nyo na bang me gumamit ng kahit an0ng acct.nyo at hindi nyo alam kung bakit naka 0NLINE pa din ito? Pwes etong SIP ng gf ko na si Jean aka jeangr3y ay ganto ang nangyayari. Lagi ko nalang nakikitang naka OL ung acct.nya sabi nya pano daw nangyari yun dahil hindi naman sya naka OL. So, kung hindi sya…SIN0? PAANO? Buti nalang ENGOT ako pagdating sa ganyan…ang engot ko n0? So, kung sino man ang gumagamit nun, sana tigilan mo na gumawa ka nalang ng sarili mo. At wala ka naman daw mapapala dyan sabi ng h0ney ko dahil wala namang kung an0ng imp0rtante dyan…

 

Hello world! April 23, 2008

Filed under: Uncategorized — Dy0s@h @ 12:23 am

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!